Tuesday, January 26, 2016

Random Thoughts #3

  1. Until now, hindi ko pa naliligpit ang Christmas tree ko at mga gifts hehehe. Paabutin ko na lang kaya ng Chinese New Year? Hehehe. Ginawa ko kasing Pasig-QC lang ang Manila-Baguio for the past 4 weeks.
  2. Kailangan ko na talagang tigilan muna ang bumiyahe. Nagbabadya na naman ang cough and colds. It maybe because of the colder Baguio weather last weekend. So wala na talaga ang 10k steps ko for January.
  3. Dami pa ring umaakyat sa Baguio. I'm sure especially in the coming days. 
  4. Gusto ko na ng car - Toyota Innova 2.5 E Dsl A/T
  5. Ang sarap talaga ng Ube jam. Niloloko ko yung friend kong malapit ko nang buksan yung pinabili nya hahaha. Sarap eh. And akalain mo yun, pumayag akong bilhan sila hahaha. Usually, I don't take orders kasi mabigat. Marami nang nagpapabili ng walis tambo pero ayaw ko talaga. Hassle i-byahe eh hahaha.
  6. Dami ko nang backlog of blogs to read....
  7. Na-addict na naman ako sa mga Bejewelled-type games. Nakaka-ubos ng oras. Need to stop and become more productive.
  8. Kailangan ko nang maisulat ang aking 2016 goals...
  9. Excited na ako sa birthday ko at nya...sana the universe will conspire with me with what I want to happen. Simple lang naman, nothing outrageous.
  10. Annual evaluations na naman. Ano na naman kaya ilalagay ko? :p

Labels: ,

Monday, September 28, 2015

Random Thoughts #2

  1. What a waste of time when you need to resolve something just because the one who did it the first time was not diligent enough to ensure that all information are correct prior to sending her request. What's worse is that when you ask her to correct it, she does not respond back right away. Nakakaubos ng oras, pasensya at focus sa ibang bagay. 
  2. Sobrang nafrustrate ako sa nangyari last week. 30 minutes before a client meeting, saka ko lang nalamang may conflict in resources at yung project ko yung imo-move. Buti nagcheck ako ng email on the way to work. Nagpanic at narattle talaga ako kasi sobrang ura-urada naman. Three minutes before the call started, I asked my teammate to gather everyone in the call first. Ako, step out saglit at naghabol ng iyak ng kahit 2 minutes lang, otherwise, sabog ako sa discussion. Ayun, I also sent a feedback email to my boss expressing my frustration. Akala ko nga wala na akong work the following day eh hahaha. Meron pa rin naman. I just had to do that because I really felt we failed as a team to coordinate that time.
  3. Been thinking of growing back my original curly hair since last month. I am more convinced this time so ok, no more rebond session in 2016. Kiber na sa bad hair days at mahangin sa labas moments hehe. 
  4. Gusto ko makita yung super moon kagabi. Nilagay ko pa yun sa calendar ko. Kaso mostly ng articles na nabasa ko, hindi daw makikita sa Pinas. Olats.
  5. Mas malaki pa rin daw than normal yung buwan tonight. Kaso cloudy naman, umaambon-ambon pa. Olats uli. Tumingala ako bago pumasok sa boarding house, ayun nga, natatakpan ng mighty clouds. Better luck next time.
  6. Di ako updated sa AlDub. No comment din. O wag nyo ako kuyugin, nagtitipid ako ng kuryente kaya di ko na binubuksan TV ko.
  7. Nung lumpiat kami ng office sa QC, balak kong mag commute sana pauwi. Mid shift ako. The first time na inattempt ko, na slash bag ko. Last week, pinag-iisipan ko uli para makatipid. Na hold up teammate ko. With matching tutok ng baril. Atras na uli sa balak ko. Tipid tipid na lang sa ibang bagay. 
  8. Nung narealize kong halos same Lang ang rate ng taxi at Uberx, Uberx na ang choice of ride ko kasi: generally mas pleasant ang mga drivers, di na ako maiinis sa mga nagrerequest ng dagdag na akala mo ang layo-layo ng paghahatiran sa akin, straight charge sa card so  di na ako makukunsumi sa pagprepare ng change, at bago pa lahat halos ng mga sasakyan. Pero ang pinakatotoo nyan, gusto ko maexperience makasakay sa iba-ibang cars para may idea ako sa "feel" nila at di na ako mahirapan should I decide to finally buy a car hehehe. Meron na akong na-eliminate actually hehe. Sana makasakay ako sa Suzuki Ertiga. I'd like to check if spacious talaga and if di bumpy.
  9. First undas ng tatay ko sa November 1. Need to go home. Baka magtampo eh. Syempre iba daw ang undas sa anniversary nya hehe.
  10. Ilang days na lang 'til Christmas. No solid Christmas and New Year plans yet.

Labels: ,

Tuesday, December 09, 2014

Random Thoughts #1


  • Buti naman at ayon sa latest news, humina na si Typhoon Ruby. Akala ko nung una, Ruby ang international name at Hagupit ang local name. Napaisip tuloy ako if talagang nasa letter H pa rin ba to think na December na. Ayun, boom mali! :p
  • Naiwan ko ang payong ko sa taxi. Paano kaya ako makakapasok bukas kung maulan pa rin? Di rin pwede WFH kasi may face-to-face meeting naman. Olats.
  • Pumepetiks na naman ako for school. Still need to complete 2 final exams and 1 reaction paper. Masyado akong nastress sa isang project that we reported last Thursday kaya sabi ko break muna sa school work. Kaso nawiwili na nyahaha. Ok, bukas gagawin ko na yung 2.
  • Buti na lang take home na yung 2 exams. Ayaw ko na pumasok talaga with the traffic and all.
  • Gusto kong magregalo sa mga batang mga pamangkin. Kaso ayaw kong makipagsiksikan sa mga tao everywhere! Nakaka-stress. Tanders na haha. Sa Baguio na lang siguro ako bibili.
  • Di na ako mag-aattend ng year end party. Stressful din sya kesa fun eh hehehe. First time ko naman umabsent eh. Keri na. 
  • Tuwing bagyo na lang, maraming nawawalan ng kuryente dahil sa mga nasisirang lines. Bakit kaya hindi nila iupdate ang technology in electrical lines? Di ba pwedeng ibaon na lang ang mga wires? HK did it. Other countries did it.
  • Bakit ba ang haba-haba pa rin ng commercials kahit gabi na? Dapat minimal na pag news programs!
  • Either hindi na ipapalabas ang On The Money or super delayed lang dahil sa Typhoon Ruby reports na nasisingit sa regular programs every now and then.
  • Di pa final ang Christmas and New Year plans ko. Nakakatamad magbyahe sa totoo lang. Mukmok na lang kaya ako sa bahay? Ay kaso may study session pala kami ng kapatid ko.
  • Next year, gusto kong mag-new year sa ibang bansa. San kaya?
  • Di pa ako nakakapagdraft ng "rules" ko sa pagpapa-aral sa pamangkin ko. Susko totoo ba 'to? Wala pa man akong anak, magpapa-college na ako?! Nooooo!!! Chos! Pero naku!!!! Pag etong pamangkin ko, hindi pa tumino, ewan ko na lang! Last chance na nya 'to. Sakit sa ulo. Kay agang naglaro, ayun tuloy, nadagdagan apo ko hmp!
  • Anong petsa na, hindi ko pa rin tapos ang tinetest ko. Ang kulit-kulit din ng katrabaho kong consultant. Sinabi na nung unang panahon pa ang requirement pero hindi nya ginawa. At katangahan ko rin na di ko na-explain sa kanya agad kung bakit ganong data ang kailangan at hindi yung ginawa nya. Now cramming. Toinks!
  • Nakakamiss ang BCWMH. Ang tanging series na pinanood ko from start to finish!
  • 17 days to go na lang pala before Christmas. May nagsabi ng Dyos ko Lord na newscaster hahaha! Pero naiimagine ko yung kanya as "juicecolored", yung mga uso ngayon, tulad din ng "whogoat" para sa hugot hahaha. Kung sino man may pakulo ng mga yan, bilib ako sa mga utak nyo!
  • Talkback, overtime ka na! Asan na On The Money?! O sya, mukhang wala na talaga. Keri. 

Labels: ,