Monday, July 25, 2016

2016 Week 30 Recap: Priorities vs Commitments

July 18-24, 2016

Work

Our HR department, who are the process owners of the systems we are deploying decided to delay it to two weeks because of employee readiness. According to them, not all employees have attended the training still. This impacts 15K+ employees and this translates to their payroll so it is really important for employees to undergo the training. Keri lang. We are slowly implementing what we can implement in advance. We will still get there in two weeks. Why in two weeks? Because we also need to time our implementation based on Payroll cut-off. Ours are  days 7-21 for end of month and 22-6 for the 15th. So all implementations should be guided by these days to lessen/totally avoid risks.

Basta kami sa team, keep calm and deploy pa rin hehehe.

Priorities vs. Commitments

Eto medyo nawindang ako last week hehe. Months ago, I said yes to a 1st birthday party on the 23rd and a wedding on the 24th. Last Monday, my favorite tita messaged me to go to their place last weekend for their house blessing. I declined at first because I don't want to be stressed of choosing between the events and going through the process of letting those people know that suddenly I can't go to their events anymore. Plus, nakabili na nga ako ng dress na dapat susuutin ko sa wedding eh. 

But I felt guilty. Event ng tita ko yun eh. I was looking forward to that event kasi milestone yun ng family nila. Yung tita kong yun and her husband, sila kasi yung madalas sa bahay namin talaga. Ilang years nang sa bahay sila lagi for New Year. Nung nawala yung nanay ko (na ate ni tita), sa bahay pa rin sila. Almost always present sa lahat ng invite ng nanay ko. Yung tito ko pa nga ang kasama ng nanay ko nung inaasikaso ni Mama yung house blessing ko rin (Oo, nanay ko talaga ang punong abala don. Hiyang-hiya ako kaso nasa Manila ako eh so di ko maasikaso talaga so sya na lang). At sila din yung nandon to guide us nung nawala ang mga magulang namin. So big deal talaga sa akin yung pagpunta/or di pagpunta sa event nila.

Come Wednesday, my officemate and I were talking about how to go to the venue. She mentioned that the wedding was on the 23rd. Nawindang ako at napakalkal ng FB messages. At 23rd nga talaga  so conflict na sya don sa birthday party :(. Na-confuse ako sino na ipaprioritize ko since umoo na ako sa 2. Thursday night, my tita was asking me again if I really can't go to their house blessing. Tinanong ko sya if magtatampo ba sya if di ako nagpunta. Silent treatment ang inabot ko. Mas lalo akong naguilty. Come Friday, I really felt uneasy na. I told my officemate that I was having second thoughts. Sabi ko, I think my best option was just to go home and don't attend both events na lang. Ganon. Syempre drama-rama with my officemate. I decided until the last minute possible. Umuwi pa ako ng apartment para maglaba. Nakapag-games pa ako. Pero come 3AM, I decided to go home na. I remember nasabi ko in one of my blog posts na first come, first served na lahat ng events na pupuntahan ko, unless may sumingit na pang pamilyang ganap. Eto na yun. Family comes first. And so....

Weekend

Carrots....ng kapitbahay nila hahaha
Eto ang view nila. Tanaw ang garden ng kapitbahay hahaha. Carrots yung tanim. So refreshing! Surprise ang pagdating ko hahaha. Di ko na sila sinabihan. Kasi nga di ba, ni-silent treatment na ako hahaha. Anyway, so glad I made that decision. At syempre kailangan matulog sa kanila. Sa lahat ng galing ng Baguio (sa Atok sila nakatira), ako lang nagstay for the night hahaha. Single eh. Pero eto ka. Nung medyo naka-inom na tito ko, nagsabi syang magtatampo raw talaga sya sa akin if di ako matutulog sa kanila hahaha. Hokey.

The next morning, I need to leave early dapat for the 10 AM mass sa Baguio. Early as in at 7AM, dapat nakasakay na ako ng bus. Kaso alam nyo na, ang sarap matulog don kasi malamig lamig. Plus ang sarap lang tumambay sa labas at magkwentuhan habang nagkakape. Aga kong nagising eh. 6AM. Kaso kumilos ako 8AM at 9AM na nakaalis hehe. Buti na lang, nakasakay ako sa bus agad after 10 minutes of waiting siguro. 

Bakit nga ba kailangan kong makabalik ng Baguio? Kasi may lunch date kami ng jowa ko hahahaha. Napakahirap magschedule with him since he works on weekends. Tapos may supposedly lakad pa sya ng Sunday night so lunch na lang yung option namin. Natuloy naman kami. Gusto kong kumain kami sa labas na kami lang at makapag-post anniversary celebration man lang dahil 1 year na kami last July 13. Akalain mo yun hehehe. While it was not always smooth sailing, milestone yun for us so big deal sya for me, kahit di big deal masyado sa kanya ang mga ganon. Ayun. Simple lang pero  masaya naman.
I asked him to take our selfie/groufie...whatever. Sya dapat para mas malayo ako sa camera hahaha! Basa nyo nakasulat sa shirt ko? Yan talaga ang ramdam ko especially kahapon. 

Hirap nung una kasi malaki raw phone ko...pero nawili nung kalaunan at click lang ng click :p

"Sir, bakit po parang ayaw nyong ngumiti?" Ay...baka gutom na sya pero pinagpicture ko muna yung server bago kami kumain kasi hahaha.

Palaparan ng mukha, pasingkitan ng mata :p

Tawang tawa ako dito kasi nahuli ko sya kung paano mag-selfie. May nalalaman pa syang tingin muna sa malayo, then tingin sa camera, smile, click. Kaloka! Hahaha!
Blessing in disguise din that I was not able to attend the 10AM mass. Don na lang ako sa 4PM na sakto, yun din ang schedule ng preggy friend ko. At least I was able to see her pregnant before she gives birth to her baby boy. Malapit na kasi yun! 

Anyway, yun lang ang mga chika ko. Nobela. Have a great week ahead.

P.S.1. Napaka-aligaga ng morning namin because some friends are trying to book tickets for the Wicked show in February 2017. Upon opening dapat since there's a 10% discount if you use Visa to book. Sayang din. Php1,645.88 yung final price after discount, kasama na dyan service charge. Yung original price ata is Php1,700++. 

P.S. 2. Gusto kong manood ng SONA ni PDu30. Sang link kaya pwede? Hehehe.

Labels: , ,

2 Comments:

Anonymous edelweiza said...

May live stream ang Rapple rkahapon ng SONA. I hope nakapanuod ka pa rin, hehe. Tamam decision mo, family first. Our true friends should always understand. Uyyyyy, ang tamis naman ng post anniv date na yan, andami pa selfies. :)

7/26/2016 08:40:00 AM  
Blogger Mylene said...

Hi Edel! I had my late lunch at sakto, tuned in sa SONA yung TV sa pantry so nakapanood ako :).

Yan din ang sabi ko sa officemate kong nagdrama-rama. Family firt always dapat.

Taking advantage sa free time ni BF at bihira lang yan! Hahaha. Buti na lang di sya takot sa camera hahaha.

7/27/2016 11:06:00 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home