Wednesday, December 10, 2008

Choices

Sabi nila lagi tayong may choices sa mga bagay-bagay. And naniniwala ako don. Pero sa nalaman ko nung isang araw, dito ko napatunayan na pwede rin palang no choice na talaga kundi yun lang kasi kung pipiliin mo ang other way, baka umabot ka pa sa isa pang no choice. Medyo nakakainis lang kasi noon ko lang nalaman. Ang sabi nila, alam na raw namin pero ako na dapat unang nakaalam, hindi ko naman talaga alam na may commitment nang nangyari. Hindi ko lang alam sa iba. Akala ko, proposal lang yun. Yun pala, expected nang ganon ang mangyayari. Kumbaga sa ibang traditions, di pa kami pinapanganak, identified na ng mga magulang namin kung sino mapapangasawa namin.

So eto na. Ako ang sumalo non. Medyo natatakot ako pero hoping for the best pa rin. At least may ilang araw akong magpreprepare emotionally.

At oo, may mga pagkakataon talaga palang no choice ka.

*****
Di ko pa rin alam kung saan ako sa holidays. At this point, 90% na Manila ako. Huhuhu. Kung dito nga ako, sana may umampon sa akin sa Noche Buena :p

May choice naman ako actually na umuwi sa Tagaytay para mas malapit eh. Pero hmmm…Baguio pa rin gusto ko!

Uy, may choice ako dito hehehe.

*****
Pinag-iisipan ko pa kung ililink ko na rin sa Multiply ang Blogspot ko. Ayaw kong gawin noon kasi blocked ang Multiply sa office. Paano pa ako makakapag-update di ba? Hihihi. Pero ngayon kasi, accessible naman na sa bahay. :p

O ayan, choices na naman!

*****
Malapit na mag-1 year ang Outdoor club sa office! At for renewal na kami next year. Syempre may utang pa kaming (mga nautusan hehe) BMC curriculum sa aming POC hehehe.

Ito hindi na may choice or no choice. Choices lang ang name ng umbrella group ng different clubs sa office. :)

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home