Friday, April 18, 2008

Kaloka!

Wala ding life for the past days! Anubayun. Puro challenge sa brain cells for the past 4 days. Challenge na rin ang paggising ng maaga (biruin mo naman 8 AM ang meeting wahuhuhu) at challenge pa rin ang pagkain sa lunch wahahaha. Hirap pag walang kanin. 3 PM pa lang kumakalam na uli sikmura ko hahaha (take note: pa- 1 PM na ang lunch namin sa lagay na yan ha). Challenge din ang pag-intindi sa diction ng presenter haha. Di naman sa hindi sya maintindihan. Kakaiba lang yung way ng pananalita nya kaya minsan madidistract ka rin talaga hehe.

Basta eventful 'tong week na to. Marami akong nawitness, may nalaman ako na tinawanan ko na lang, may mga bagay na ikinasama ng loob ko at nanggalaiti pa ako sa galit pero syempre di pwedeng magwala di ba? Haha.

Kaninang bandang lunch naman, nawindang ako sa ginawa nung isa. Tuwang-tuwa pa ako kasi nakuha ko lahat ng gusto ko kahit kinailangan kong pumasok ng maaga. Akalain mong pagdating ng lunch, nagka-issue wahahaha. Hayuf talaga. Pero di naman ako galit sa tao. Naloka lang ako sa situation. After ko ngang magkwento, tinanong ako ng boss kung ano daw ba ang worries ko. Sabi ko wala. Nagvevent out lang ako wahahaha. Kaloka talaga!


Syempre may mga nakakatuwa rin naman. Good job kami sa code review namin last Wednesday. Mga big boss (from main office) ang nandon. Dami nila tanong pero nasagot naman namin lahat. Na-good job na kami right after ng presentation, na-good job pa kami nung dinner at sinabihan din ang aming big boss na good job daw kami. Akalain mo yun. They can't get over it? Ahihi. Eh paano ba naman kasing hindi magiging ok eh the night before nagpractice na kami wahahaha. Alam na ng mga reviewees kung anong itatanong namin sa kanila. May script na kami hihihi. O sikwet lang yan ha! :p

Ayun lang. Sa weekend, kakaririn ko naman paghahanap ng bagong lungga. Sana may mahanap na ako!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home