Saturday, April 05, 2008

Kung kailan...

Friday, saka nman kami pinutakti ng issues. Halos 12 oras sa opisina, puro yun lang ang inatupag. Lahat considered emergency na. Naayos naman. Natest namin. Nakausap ang mga dapat kausapin para sa panibagong prosesong susundin. Gumagana na lahat sa dev so deploy kami. UAT na. Pinakahihintay ko na ang email ng end user na ok na. Pero ayaw pa rin daw!? Hiningi namin ang sample data. May kutob na akong maling template ang gamit ng isang ‘to. Ayaw ko pa sanang tignan kasi alam kong ikakainit lalo ng ulo ko pero no choice dava. Pagcheck ko, maling template nga. Fok. Sa paanong paraan ba dapat ipaliwanag sa kanila?

Pangalawang kaso, tama na ang template. Latest exe na ang gamit pero ayaw pa rin. Buti na lang may net meeting. No choice but to do code trace. F8 hanggang umabot sa kung san man may error. Makalipas ang ilang saglit lumabas ang cannot insert null in blah blah blah. Wat da?! Primary key yan eh. Di ko kailangan magpass ng value. Auto increment yan waaa. Alt-tab agad lipat kay SQL para icheck ang design ng table habang nakikiusap sa kateam na hagilapin ang DBA. Select table-right click-properties. ‘La na ako access sa design view. Malapit na akong magwala. Sabi ni teammate umalis na rin si DBA. Ayus na ayus! Sabi ng isa pang teammate, iba na nga raw ang settings ng table. Gumuho na mundo ko. Tinawagan si DBA, sabi nasa ofis pa ang boss nya. Tanungin na lang daw sya so tinawagan si boss ngunit sinama pa rin si DBA sa concall. Pagkatapos ng pagpapaliwanag sa nangyari, tanungin daw ba kami kung paano na yun. Waaa. Arggghh!. Yan trabaho mo di ba? Dapat alam mo! Unang kita pa nga lang namin sa error alam na namin gagawin e. Langya. Kung kaharap nya ako kita na nya ang aking pag-close-open at baka umabot sa kanya ang suntok ko. Har har har! Unang usapan, hihintayin namin syang makapunta sa WiFi spot sa MALL at makapag-online pero dahil atat na kaming tapusin, humingi na lang kmi ng permision na kami na ang gagawa. At pagkaraan ng isang siglo, natapos din kami. Nakapagconfirm na si end user. Whew! Praise the Lord.

Time check: 9 PM na. Kumukulo na ang sikmura ko so kain muna. Balik din agad para tignan naman ang isa pang issue. 10:15 PM natapos ang initial checking. Tama na! Hahabulin ko pa ang byahe pauwi. Goodbye issues. Saka na tayo magtuos next week. Hmp!

Gustuhin ko mang makauwi agad, traffic! Sus. Gabing-gabi na e. Pagdating sa bahay, empake na ng mga dadalhin. Bahala na kug may maiwan.

12:30 AM nasa terminal na ako. Wow! Sarado na ang ticket booth. May mahabang pila ng chance passengers. 8 AM na ang next available trip. Ayos talaga. No choice. Pila na. 9 AM ang kasal. Sa bundok un...good luck dava! Bahala na kung may maabutan pa akong pupunta. Kung wala itutulog ko na lang.

Panglima na ako sa pila pero wala naman nang bus huhu. 3:30 AM na ba ang next trip? Waaaaa. Sana naman hindi. Saklap. Hayz. Yamot!

Muni-muni muna.

1:50 AM. may bus biyaheng 2:00 AM. Wow! Nagbebenta ng isang ticket si ate guard. Grab na. All set. Byahe na. Yifee. Good night world! :)

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home