Lutang...
...kasi double shift ako kahapon, so ffice ako from 10 AM kahapon to past 4 AM kaninang umaga. Di pwedeng mag-offset kaagad ngayon or bukas kasi may meetings and deployment. Ang issue lang naman ay yung dati ring issue 2 paylink generations ago. Mahirap talagang mawalan ng DBA at nakakatakot pag on the spot kailangan mong maging DBA. Good thing di kami inabot ng more than 2 shifts ngayon. Tinandaan na lang naming yung ginawa nung DBA last time at buong tapan na inexecute wahahaha. Kakatakot kaya talaga. Live data yun eh huhu. Buti na lang ok ang outcome at natapos din…pero pagkatapos ng mahabang oras. Hay!
At dahil lutang na lutang ako ngayon, hirap magtrabaho. Kung pwede lang hilain ang oras para matapos na ang shift ko, ginawa ko na kanina pa. So ang mga nagawa ko lang ay magmeeting (at magdemand sa isang meeting na simulan na hehe), magreply sa mga email, magbigay ng overview ng QA sa ibang kateam, tulungan ng konti ang isa pang kateam na magdebug, at ito hihi. Ang main task ko ay ipinagpaliban ko muna para bukas para at least nakapagpahinga na ng konti at mas mabilis na magprocess ang utak ko.
Labels: Work
2 Comments:
Grabe! Workaholic ang tawag dun... hehe... Buti nalang magaling si ate mye. Idol... :)
Lam ko isa ako sa nag dedemand ng time niya. Thanks ate mye for helping me!
Ahaha, nde naman...ganito lang talaga yata pag senior...more responsibilities huhu..ayaw ko naman iwan ang teammates ko sa ganon.
Trabaho kong tumulong hehe...Oks lang yun Emie. Natutuwa nga ako kasi mabilis kang makaintindi ng codes! hehe..Keep up the good work!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home