2016 Week 15 Recap: Anyare?!!!
April 4-10, 2016
Puro work updates. The boss of the boss treated us to Chili's last Friday. Naisip namin birthday treat nya kasi birthday nya nung March pero hindi daw. Dinner lang daw.
He was in Tokyo, Japan with his family last Holy Week. Kaya pala wala sya that week at di na nagfollow up sa tinatanong nya sa akin that time hehe. Or baka ok na sa kanya yung last reply ko hehe. Anyway, so syempre na-share kong punta rin kami sa Japan this July. For sure daw mabibitin kami sa 6 days pero ok na rin daw. At Summer daw non, mainit. Basta ang tip nya ay i-reseach daw namin ang most cost effective option/s for the train tickets kasi marami daw pero may best option based on our IT. Plus, sabi nya, use Google maps daw because it's so helpful. Just input your starting point and destination and Google maps will tell you what train line, and most importantly where to exit. Each station has so many exits daw kasi so nakakalito talaga if wala kang guide.
And last weekend was the most stressful yet this year. Hay at sana hindi na mauulit dahil nakakawindang talaga! We had an issue with the system that processes our attendance data and since prerequisite ito ng Payroll, mas lalong naka kaloka. I spent my weekend waiting for updates and thinking of all other options we can propose just in case hindi talaga kakayaning maayos. Nakaupo lang naman ako sa bahay pero pagod na pagod ako kakahintay at kakaisip.
It was the first time the issue occurred so clueless talaga kaming lahat anong meron kasi maayos naman syang tumatakbo ever since 6 years ago.
Good thing na rin that our resources were committed to resolve the problem. Ang galing nung bata. Salamat na lang at sya ang resource. No findings after namin madeploy yung fix. Lahat nakahinga ng maluwag after magconfirm ni HR kaninang madaling araw na ok naman lahat. Don lang ako nakatulog ng maayos.
Pinilit ko na lang din makapag laundry man lang at mag simba at maggrocery nung Sunday para naman may makabuluhang nagawa over the weekend. Pero iba pa rin talaga. Ang hirap magfocus. Sana hindi na namin danasin yun ulit.
Until today, Monday, feeling lutang pa rin ako. Kung wala lang kailangan tapusin, umabsent na rin ako ngayon. Anyway, move on na.
Ay gusto rin daw pala ng mga pamangkin kong magbakasyon at makipagsiksikan sa akin sa apartment ko. Gusto kong itake advantage tong stage na clingy pa sila pero hindi na ganon kaalagain since medyo malalaki na sila pero tignan ko muna if may time pa since di na ako pwede this April. If ok pa sa May, then baka ampunin ko muna sila. We'll see.
Hoping for a better week.
Labels: Personal Blog, Weekly Recap
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home