Discrimination At Its Finest
I've mentioned in this post that we went to a wake last weekend.
Last Sunday, my aunt requested me to accompany her to a wake of her husband's relative. I didn't want to but she wanted me to be her scapegoat so that she'll not be forced to stay long hehehe. I gave in, since BF was still busy after the mass. Balik na lang. Anyway, we reached the relative's house at noon. Syempre gutom na gutom na kami non. Syempre normal naman ang mga pa-kape at sa amin, nagkakatay talaga ng baboy pang-ulam ng mga bisita. Pag may kinatay, naglalaan sila ng konti pang-inihaw which they serve to the guests while waiting for the food to be cooked. So few minutes pagdating namin, lumabas ang kape. Syempre natuwa ako. Pero biglang nawala yung tuwa ko nung dinaanan lang kami at inabot ang kape sa nasa likod namin hehehe. Next, lumabas ang inihaw na pulutan. Pucha ilang pinggan ang idinaan sa harap namin pero wala man lang ni isang inabot sa amin. Sumunod ang camote. Ganon din hahaha. Pati ba naman camote ipagkakait nyo pa???!!! Hehehe. Nagbubulungan kami ng tita kong kawawa naman nga talaga kaming mga pobre at nadadaanan lang hahaha. Pigil na pigil ko talagang humagalpak dahil wake yun pero at some point in time, lumakas pa rin tawa ko. Itinawa ko na rin kasi inis ko at gutom ko eh. Ewan ko paano kami nagkaroon eventually ng food. Basta may nag-abot sa tita ko pero not sure if yung nagseserve or ibang tao. Tapos may shy piece ng camote sa isang basket so kinuha na rin namin at ginawang to share hahahaha.
After sometime, may mga dumating din na iban guests. May mga konting borloloy at yung mga bag is yung handbag na sinusukbit lang sa braso. Style manyaman hehehe. Aba, grand welcome sila! Yung kulang na lang buhatin sila at paupuin sa best seats available hehehe. K, fine!
Sabi ng tita ko, ganon daw talaga yung angkan na yun. Yung mga nagtatrabaho sa kusina ay yung mga relatives nilang poor hehehe. Kaloka lang. Sabi ko sa tita ko, next time magwarn naman sya para makapagred lipstick man lang ako at maisuot ang fake kong jewelry basta makinang hahaha. Joke, pero why not? Hahaha. Pang-asar lang :p. But no, it's not me. Sabi nga ng nabasa ko lately, 3 things you should keep private -- lovelife, net worth, next steps :).
Anyway, bigla ko tuloy narecall how we treated our visitors during our parents' wake. But I can confidently say that we treated all of them well, especially the unfamiliar faces. Nakakahiya naman kasi. Sila na nga lang nakikiramay, sila pa uneasy dahil wala ni isa man sa amin ang hinarap sila.
Pero love na love ko tito ko ha. Mabait kasi. Isa sya sa mga talagang umalalay sa amin nung nawala both parents namin.
Labels: Personal Blog
2 Comments:
Hahaha, nakakatawa ka magkwento! Pero unfair nga sila. I guess dito sa atin, ginagawa ng normal ang discrimination, dahil likas na laitero ang mga Pinoy (in general). I'm sure even yung mga mayayaman, nadidiscriminate din yan ng mas mayayaman sa kanila. Karma is a bitch kaya. :)
If I were younger siguro, affected ako sa ganon. But I've learned to ignore things that don't add value to my life so kahit nakakapikon, kaya ko nang tawanan na lang hehehe. Pero yes, sad to say, mga laitero mga Pinoys in general. Buti na lang talaga karma is a bitch hehehe.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home