What goes around comes around
Yan ang sagot ni Kumareng A sa binalita ko sa kanya. Ganito kasi yun. Years ago, nanghiram sya sa akin ng money. Nung binalik nya, nagtext naman Mama ko na may nanghihiram nga raw sa kanya and kung pwede kong pahiramin. So since meron naman and gusto ko talagang tumulong, nagdecide ako na ipahiram uli ung kakabayad sa akin. Sabi ko sa sarili ko, yun na lang ang ipapautang ko sa mga umuutang sa akin. Yun na ang bahagi ng aking kawang-gawa. Tapos kanina, nagtext naman kuya ko kung pwede raw sya manghiram. Di ko muna sya sinagot. Iniisip ko pa kasi kung san ko kukunin yung budget. Iniisip kong ipatanong na sa Mama ko yung umutang dati kung makakabayad na kahit konti lang. Akalain mong naunahan ako ng Mama ko sa pagtetext at binalita na nga sa akin na nagbayad na ng kalahati ung umutang. Yifee! Kakatuwa. At least ngayon kung kulang man yun sa hihiramin ng kuya ko, dadagdagan ko na lang. Ang galing talaga ni Lord. Perfect timing lagi. :) Kaya nga ba love ko Sya eh!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home