It’s the time of the year
Time of the year na nga uli talaga. May sakit na naman ako. Sabay-sabay na ubo’t sipon at malamang magkaka-fever pa ako. Mukhang nakuha ko ang virus sa office. Dami na rin kasi nagkakasakit sa office. Pero ako, expected ko na to haha. Kumbaga, scheduled sickness na to. For the past 3 years kasi, tuwing mid-year, natotodo talaga sakit ko. Ung tipong kailangan ko na mag-SL kasi di na talaga kaya or kahit kaya, mahirap naman magconcentrate sa work. Sana lang gumaling ako agad. Pumunta na ako sa clinic kanina. Binigyan na rin ako ng gamot. Tapos after 5 days daw, balik ako para sa reseta ng antibiotic. Ano na nga ba ito? Hehe! Sa tagal na di ako umiinom ng gamot, di ko na alam. Di naman kasi ako palainom pag di major na sakit. O sya, hintayin ko na lang na mawala to at til next year na lang uli hehe!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home