Tuesday, October 13, 2015

Dear Mama and Daddy #1

Dear Mama and Daddy,

How are you both? Missing you guys so much but I'm sure you're having a grand time with the Father up there. Grabe, dati, dear Mama lang. Ngayon dear Mama and Daddy na. Kalurkey kayo. Nag-usap ba kayong magkasunod kayong aalis ng less than 2 years apart? Di man lang nagtagal ang isa sa inyo para makita ang apo sa akin. Nanawa na ba kayo sa kakahintay? Nawalan na ba kayo ng pag-asang magkaka-lovelife ako? Hahaha!

And speaking of lovelife...Mama grabe ka! Hahaha! I learned something recently. Ginawa mo talaga yun?! Kaloka ka hahaha! Masyado na ba talagang bothersome sa yo ang pagiging single ko at kinailangan mong gumawa ng da-moves mo? Kulang na lang idaan mo sa fixed marriage eh. Buti na lang subtle ka lang duma-moves. Hahaha! Pero susko ka inay! :p Sabi ni koya, ang pagkakaintindi daw nya nung una, meron daw akong 7 kids hahaha. Sabi ko baka 7 grandkids ang sabi mong meron ka haha. Pero thanks, Ma. By learning about it, mas kampante na ako dahil feeling ko nascreen mo na sya. Kami na po ahihi! Sabi pala nya, sana buhay ka pa. Siguro para may kakampi sya lalo na pag inaaway ko sya hahaha. Pero pakibatukan na lang kami pag umiral ang katigasan ng mga ulo namin hahaha!

O sya. I'll see you both sa Undas. Ako po ang dadalaw sa inyo. Wag na po ninyo akong dalawin at baka mawala pa kayo hehehehehe. Nga pala, gusto nyo ba talaga ng puting mansion? Or gusto nyo ng other colors next year? Hehe. E kandila, anong kulay gusto nyo? Let me know in my dreams, ok? I love you and I miss you both. Please continue watching over us.

Love,
Mylene

Labels: ,

6 Comments:

Anonymous edelweiza said...

Nakakatuwa ang letter mo for them! Nauna na pala sila, nasa heaven na. Yung first born child ko, angel na at nasa heaven na rin. As for my parents, they are both alive and I can see nagkakaedad na talaga. Kaya naman I try to spend as much time with them as I can. Quality over quantity na lang din. We are blessed to have/have had parents who love us unconditionally. :)

10/14/2015 11:46:00 AM  
Blogger Mylene said...

Ms. Edel--yup, nauna na sila. Mama namin last July 2013 and Daddy namin last January lang. At aside from prayers, ito na lang yung alam kong way to communicate with them hehe. Nabasa ko nga rin about your angel Pippo. At least may angel na kayo ngayon :). And true, we really need to spend time with our parents. One of my regrets was not spending time with them as much as I can. I was in denial din kasi na tumatanda na talaga sila every time nakikita kong dumadami kulubot nila :). Then things happened. Such is life. But in time, we all learn to live with our new normal after losing a loved one :).

P.s. Pag nababasa ko yung tag line mong "may you choose happiness always", inuulit-ulit ko sya sa utak at puso ko to remind myself to choose happiness always hehe.

10/14/2015 02:02:00 PM  
Blogger ThePseudoshrink said...

Awwww...I'm sorry you've "lost" both your parents na, but I'm sure they are happy knowing that you are coping and haven't lost your sense of humor.

10/16/2015 09:56:00 PM  
Blogger Mylene said...

Yay, thank you, Ms. TPS. I'm hit with the loss from time to time but trying my best not to be too consumed by grief since I know and I'm sure my parents won't be happy about it if they see me waste my life :).

10/17/2015 02:40:00 PM  
Anonymous edelweiza said...

New normal, totoo yan. At naniniwala talaga ako dyan sa tag line ko na yan, hehe, nasa sa atin kung papano natin ihahandle ang lahat ng nangyayari sa life natin. It's always our choice. :)

P.S. Wag mo na ako, i-Miss, noh. Edel is fine. :)

1/29/2016 12:01:00 PM  
Blogger Mylene said...

Ok, Edel na in my next comments hehehe.

2/02/2016 12:32:00 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home