Sunday, May 25, 2008

Tree planting

When: May 24-25, 2008
Where: Bangkong Kahoy, Brgy. Kinabuhayan, Quezon

Pagkatapos ng pagpapakasaya sa mga outdoor activities, activity with a cause naman so nag-tree planting kami sa bangkong kahoy. Sat-Sun yung it pero dahil may iba pa kaming lakad ni Anne ng Sat, sumunod na lang kami ng sunday. Muntik pang maging alanganin dahil sa issue sa paylink. Buti na lang ok na by 3 AM.

Anyway, umalis kami ng Manila ng 4:30 AM, nakarating kami sa San Pablo, Laguna ng 6 AM. Sumakay kami ng jeep papuntang Kinabuhahayan Quezon pero tumawag ang POC na sa Dolores Munisipyo na lang daw kami susunduin ng hammer so doon dapat kami bababa. Sa kasamaang palad, nalagpasan namin yung munisipyo so kailangan naming bumalik. Malman-laman namin later on, dadaan din naman pala sa Dolores Church yung hammer (kung san kami unang bumaba para bumalik sa munisipyo.) E di sana don na ang kami nagpasundo. Baka nakapagsimba pa kami habang naghihintay.

Nakarating kami sa campsite aound 9 AM na. Kain agad then orientation na for the tree planting. Narra pala ang tinanim namin. Tapos after 30 years pa raw bago maging marketale yung puno. Grabe ganon katagal. May pinakita yung DENR personnel na plan for the area na tatamnan. Combination yun ng planted trees, bamboos, vegetation, at grasses that naturally grow in the area. Ffter ng orientation, tanim na gad. Si manong ang naglinis ng mga damo sa taniman at taga gawa ng butas na pagtatamnan. Iniaabot na lang namin yung punla at sya na rin nagtatanim. Wahaha. Corny.

After ng tree planting, free time namin yun until the time ng pagbalik sa manila. Dahil halos wala akong tulog the night before, mas ginusto ko nang matulog kaysa mag-explore. Nung una, sa duyan pa kami natulog (sarap dito) kaso umulan kaya kinailangan naming pumasok sa kubo. Syempre nakisquat na lang kami sa kama at natulog uli. Nagising na lang kami nung malapit nang mag-uwian ahihi.

Yung iba sa amin, nakapagrapelling, nakapunta sa isang falls at may isa pang activity na di ko alam tawag. Parang flying something. Ewan.

My tree's name? Hmm...Myra na nga lang, short for Mylene's narra. Wag nang kumontra. Wala na ako ibang maisip. Sana mabisita pa uli namin in the future yung mga tinanim namin. At sana buhay pa ang si Myra by then hehe.

Labels: , ,

2 Comments:

Blogger ardee sean said...

wow..kumusta na si myra.. like the pic.. gagawa din ako ng photography.. sana mahiram ko yung cam ni rye.. wahahah..kaso kelangan ko din model, sino kaya? si myra? hehehe

6/08/2008 09:02:00 PM  
Blogger Mylene said...

@ardee: haha! sana buhay pa si myra. balik kami don baka august na. another tree planting session. sponsored by the company kasi required daw tayong magtanim daw ng 200 seedlings wahahaha. sama kayo!

6/20/2008 05:55:00 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home