Mga kwentong opisina
Kanina lang, tinanong ako ng kasamahan ko sa trabaho kung uuwi pa ako. Sabi ko syempre naman. Pero kaya nya natanong yun kasi magkasama kami sa meeting kahapon ng 10 AM at nakwento ko ngang umaga na ako nakauwi at umidlip lang ako saglit bago pumasok uli. At hanggang ngayon, nandito pa rin ako. Ganyan talaga paminsan-minsan. Isipin mo na lang kung parati na lang pareho ang routine mo. Asan na ang tinatawag na spice of life? (oo na, sa akin ito ang spice ng buhay ko ngayon) Hehehe.
*****
Kahapon naman, nakita ng kasamahan ko sa opisina yung ginagawa ko. Tinanong kung bakit ako ang gumagawa non (alam nya kasing hindi dapat ako yun). Sabi ko, kailangan eh kaysa mapag-iwanan yun dahil hindi maasikaso. At alam ko rin naman na hindi dapat ako yun. Pero nakiusap na lang ako sa kanya na wag na naming pag-usapan kasi gusto ko lang matapos yun at ayaw ko nang mag-isip ng kung anu-ano pa. Buti na lang nag-agree sya. So positive thoughts lang. Ok? And go for GO!
*****
Yes, go for GO! ang motto ko ngayon. Mahirap pero mas mabuti na kaysa "prolong the agony" ika nga. Backround lang ng motto. Meron kaming project na pagdating next week, pag-uusapan ng mga kataas-taasan (at naririnig ko rin pala kanina na dapat daw kasama din ako doon sa pulong na magaganap...pwedeng wag na? Taong bahay na lang uli ako hehehe) kung itutuloy ang deployment nito o hindi. Ang tawag doon ay Go-No Go meeting. Ako gustung-gusto ko na. Pag hindi kasi natuloy, sa January 2010 na ang next implementation. So why prolong it di ba? Kaya kahit alam kong mahirap, gusto ko pa ring ituloy. Marami na kasi akong ibang bagay na hindi naaasikaso dahil dito.
*****
Kahapon sa meeting, isa akong Dory hahaha. Pero kung si Dory ay 10 seconds, sa akin naman ay 10 minutes. Malaking difference yun ha! Marami akong natanong sa meeting. Pero may isang tanong na feeling ko parang natanong ko na pero hindi ko talaga sigurado. So nung itatanong ko na, sinabi ko na hindi ko alam kung naitanong ko na pero itatanong ko pa rin. Pagkatanong ko, ayun, confirmed. Naitanong ko na nga earlier. Dory moment. Ikaw, may Dory moment ka ba?
*****
Kahapon pa rin. Nagkita kami ng POC ng Outdoor club sa hallway. Buti naman behave sya at hindi ako tinalakan dahil medyo hindi na ako nakakasama sa mga Outdoor activities (dahil na sa sobrang dami ng ginagawa). Pag nagkataon, nakipagtalakan ako sa kanya sa harap ng mga teammates ko wahaha.
*****
Marami palang nangyari kahapon? Hehehe. Hmmm. Eventful.
*****
Break mode ako ngayon kaya ako nakadalaw dito. :p
Labels: Work
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home