Wednesday, May 13, 2009

Sakit

Nagbabadya na naman ang aking karaniwang sakit. Inisip ko lang kanina na baka pagod lang ako kasi puro meetings ako sa halos buong shift ko. pero hanggang ngayon, mabigat ang pakiramdam ko. Ganito lagi nararamdaman ko pag nagkakasakit ako ng todo at para akong lantang gulay. Masakit ang muscles ko. Feeling ko kanina sa office pa lang parang namamaga ang mukha ko. Pagdating ko sa bahay, salamin agad hinarap ko. Buti na lang normal naman. Pakiramdam ko lang yun. At hanggang ngayon nahihirapan akong makatulog. Mas lalo ko tuloy nararamdaman
ang sakit.

Ano ba naman ‘to. Totoo bang kung ano ang nangyari sa unang araw ng Bagong Taon, ganon na the whole year? Huwag naman sana pero naman kasi, first day of the year, may sakit ako at umulit na ng kung ilang beses at nagpapang-abot pa ang mga ito. Hindi pa ako gumagaling sa una, nagkakasakit na naman ako. Nakapagpacheck-up na nga eh. Binigyan na rin ng gamot. Pero wala pa rin. Anong gagawin ko?

Teka, anong sakit nga ba? Sa ngayon, symptoms ng lagnat nararamdaman ko. Mainit na katawan ko kanina pa. Kakairita nga eh. It’s all in the mind lang ba? Sa akin hindi. Ganito talaga pakiramdam ko pag magkakasakit ako.

Ayaw ko pa naman maggamot. Feeling ko kasi, sa kung ilang beses na akong nagkasakit mula last year, sobra-sobra na yung mga nainom kong gamot. Ayaw ko nang dagdagan pa. Kaya iwas gamot muna. Pero nasaan na ba ang mga gamot ko? Just in case lang hindi ko na talaga kaya. :D

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home