Dinner at Leslie's on Balentyms
We immediately left EK after having our snacks of hotdog sandwich. We were expecting to reach Leslie’s after an hour but que horror! It was traffic. We were thinking at first that maybe it’s because it’s Valentine’s Day so many are on their way to Tagaytay for the night. But it was still unbelievable because traffic started just a few minutes after we made a right turn from Sta. Rosa. Huwell. There’s nothing we can do except to continue with our pang-ookray hehehe.
We saw a Ferrari! Ang taray ni Lolo. Bigatin ang ride. Si lola ay hindi mukhang lola. Siguro many years younger talaga sya hehehe.
One of the passengers of the Starex van in front was gay. Nagpapacute kay Sol ahahaha. Nginingitian at kumakaway pa talaga wahaha! Astig ka Sol. Isa kang magnet…gay magnet? Hihihi. Nung hindi sya tumitigil sa pagpapacute, pinakitaan namin ng L sign. Ang ganti sa amin? Pinakita lang naman nya ang kanyang flowers at balloons! Plural tsong. Hindi lang isang pirasong flower at balloon. Bouquet of flowers with matching elegant plastic wrapper at sangkatutak na balloons in different shapes and sizes formed into a design. Syet! Ni isa man lang sa aming mga babae walang flowers huhuhu. Wala. We are really losers…losers on the loose bwahahaha.
After 10 years, nakarating din kami sa Leslie’s. Good thing may available na upuan that time. Di pa ganon karami mga tao. Kaso naman, olats yung waiter na na-assign sa amin. Hindi attentive. Anyway, we ordered Bulalo, Crispy Pata, Kangkong and Ginataang Kalabasa, Sitaw at Hipon. Tsalap tsalap!
Habang naghihintay ng orders at para hindi maisip ang kagutuman, nagpicture-picture muna kami. Si Sol, nagkaroon ng love-hate relationship with my camera :p. Love nya pag maputi sya sa pic, hate nya pag sobrang itim wahahaha.
Sa kalagitnaan ng aming kaguluhan, bigla kaming may narinig na fireworks! Weeee! Ito yung isa sa balak naming hintayin sa EK e pero pinagpalit namin sya sa Leslie’s hihihi. Buti na lang may fireworks din dito. Nangyari lahat ng gusto namin. Di nga lang ako marunong kumuha ng fireworks. Low batt na kasi yung magandang camera ni Gelo :p.
Nung finally may food na, tahimik nang nagsikain ang lahat. Hindi na nakuhanan ng pic yung food kasi pagkalapag, kuha na agad wehehehe. Nung medyo nabawasan na ang aming kagutuman, kwentuhan at hiritan naman. Ito lang yung mga na-note ko hehehe (literal na ninote-nakasave ‘to as draft sa phone ko).
- Kaya ako single ngayon kasi ganito ako kumain.
- This is life.
- This is single blessedness.
- Love will find a way kaso wrong way tayo.
Quotable quotes from losers hahaha.
After ng dinner and bili ng pasalubong, sibat na kami. Temporary amnesia ako dito by choice hihihi. Ang natatandaan ko lang, muntik na akong mapaiyak dito ni Gelo huhuhu. Sa aking mga EK buddies, wag nyo na akong piliting ilagay dito. At wag na rin nating pag-usapan sa comments wahahaha.
After a few minutes of traveling, biglang nagtanong si Sol kung tama pa ba yung dinadaanan namin. Upon checking the place, mukhang tama naman so sabi ko tama. Pero bigla kong naalalang itanong kung nag-left ba kami after naming madaanan ang rotunda. Hindi daw. Bigla akong napasigaw ng “Mali! Papunta na tayo ng People’s Park. Balik”. Hehehe. Muntik pa kaming maligaw at mapadpad sa kung saang lupalop wahahaha.
Pagkatapos non, kanya-kanyang diskarte na ng pagtulog habang si Sol ay nagmamadali na sa pagda-drive. Di ko na namalayan ang iba pang pangyayari. Nagising na ako nung malapit na kami sa C5. Dumaan kami kina Emie para isoli yung sasakyan ng tita nya and lipat sa sasakyan ni Sol sabay harurot na. Late na sya sa kanyang date ahihi. Namamatayan si Sol nung una kasi nanibago sya sa sasakyan nya. Di daw sya sanay wahahaha. Take note, isang araw lang na iba ang nadrive nyang car ah hehehe. Ibinaba kami sa SM Pasig then kanya-kanya nang kumuha ng taxi pauwi. Sabay-sabay kami nina Gelo and Jen. Drop off ko na lang sila sa kung saan man sila bababa.
Home sweet home at around 12 AM or a little past 12. Sisimulan ko na sana magblog kaso inantok na ako. Nagawa ko lang idownload ang mga pictures from my camera at panoorin at balikan muli ang mga kwentong kaakibat ng bawat larawan. Neks! May ganun? Wahaha.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home