Wednesday, September 10, 2008

Mga Kwentong Mt. Tarak

Mamang driver, ang gas!
Si Manong driver naman kasi nakikipagkwentuhan pa sa kung sino sa daan at tuwing nagkukuweto, nakakalimutan ding apakan ang gas. Timang! Ultimo yung nakaupong natutulog sa gilid ng kalsada binusinahan pa para lang magising. (from previous post)

Sabi ni R, gustung-gusto na raw nyang ishake yung driver at iremind na apakan man lang yung gas habang nagkukuwento hahaha.

Malapit na lang….
Mountaineer (M) 1: Pwede bang magtake 5?
M2: Malapit na tayo sa Papaya River. Ituloy na natin.
After 15 minutes of trekking, di pa naming nararating ang mahiwagang Papaya River hehe.
M3: Asan na ang malapit na Papaya River?!

Aux 1
Usapan namin, Socials by 8 PM. Around 10 PM, lumabas si R ng tent, nanggigising. Time for socials daw. Walang ibang lumabas. Ako gising naman. Deadma lang. malamig eh wahaha.

After an hour siguro, si J naman lumabas ng tent. “Gising na ba kayo?” Walang sumasagot. Ako tuloy lang sa pagmumuni-muni. After sometime, bumalik na rin sya sa tent nya hahaha.

The sweetest kiss of all ahihi
J: Aray! Aray! Aray! (Malakas na sigaw, sabay pitik ng langgam na nangangagat sa kanya)
R: (Todo tawa habang hawak-hawak ang ulo. Nang mahimasmasan) Langya pare sumakit ulo ko sa ‘yo. Nablock yung oxygen na papunta sa ulo ko kakatawa.
M: Asan ang camera? Asan ang camera?! (Para icapture ang moment ahihi. Sa pagkakatanda ko may nacapture ako. Di ko lang makita sa shared pictures. J, san na nga ba yun? Hehe.)

‘Charon ‘charon ‘charon
Habang kami ay masayang nagkukuwentuhan ni R sa bus, binulabog kami ng mga nagtitinda pagdating sa stopover. Deadma lang kami nung una kasi dumadaan-daan lang sila sa aisle ng bus.

Ang isang tindero, napagod na ata sa kakalakad so naisipang tumigil muna. Huminto sya sa pagitan namin ni R (magkatapat kami ng upuan), isinabit ang paninda sa may hawakan, sabay sigaw ng “’charon ‘charon ‘charon kayo dyan. Bili na kayo ng ‘charon pasalubong!

Para kaming pinaglaro ni manong ng peek-a-boo dahil sa pagkakaharang nya sa amin wahahaha. Nung magkakitaan, tawa na lang kami ng pigil. Hahaha!

Words during the climb:
The audacity of this flamboyant pakiderm (pakihanap na lang sa dictionary ang meaning!)

Buffuer, threshold, push it, move it, hugot hininga, 5th wheel, tukod mukha, kudkod puwet

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home