Seven Things
So here it goes…my seven things. (Ang haba! Bakit nga kaya 7 to?)
Seven Things That You Dislike the Most
- Mga daga at ipis! Panira sa mga gamit!
- Pag sobrang init. Mas kaya ko ang sobrang lamig kasi mas madali remedy.
- Mga naggagago na mali ang timing. Ginawa sa akin ‘to minsan, syempre pinagsabihan ko sya kahit sino pa sya. Wala akong pakialam.
- Mga inggitero’t inggitera, isama na ang mga intrigero’t intrigera. But I have learned to live with such kind of people. Deadma na lang. Wala akong paki sa kanila.
- Yosi. Kadiri talaga.
- Sobrang daming work and yung wala naman kahit isa. Dapat balanced lang hehe kasi kung hindi, naprepressure ako pag nasobrahan kahit alin sa dalawa.
- Mga flirt at sobrang inarteng mga babae sus. (kahit babae pa ako) Hay naku talaga. May isang grupo ng mga babae talagang binansagan namin ng LFL (League of Flirt Ladies) dahil sa sobrang landi nila.
Seven Things You Like the Most
- Books! Books! Books!
- Movies. Stress reliever ko ‘to. Kaya kong manood ng 2 movies in one day. Nanonood ako kahit jologs pa.
- Koreanovelas. Naging addict din ako nito.
- PC ko. (Wish ko laptop na ‘to hehe) Pag nasa Baguio ako, parang mababaliw ako pag di ako makagamit ng pc hehe. Iniisip ko na lang na opportunity ung PC-less days ko to do other things.
- Music. Very soothing.
- Sayote. Bahagi yan ng buhay ko.
- Maglakad. Ipinanganak ako para maglakad hehe.
Seven Important Things In Your Room
- Books. Need I say more? Hehe
- PC ko
- Radio
- Electric fan. Di ko pa rin kaya ang init dito.
- Lamp shade
- Cellphone. Alarm ko rin kasi yan.
- Actually, lahat ng laman ng room ko, mahalaga. I don’t usually keep things na di ko kailangan kasi magiging clutter lang yun.
Seven Random Facts About You
- Di ko kayang matulog na patay ang ilaw pag walang katabi kaya laging on ilaw ko. Good luck sa bill hehe.
- Nung bata ako until high school, kayang bilangin sa daliri ko yung iilang beses na pag-inom ko ng soft drinks. Hindi basic need sa family naming ang soft drinks (at kung anu-ano pang pagkain na hindi nakukuha sa garden hehe)
- Takot ako sa mumu. Marami nito sa amin. Mula bata ako, marami na akong naririnig na kwento. Naexperience na rin ng ilan sa family members namin.
- Di ako marunong magprogram pag-graduate ko ng college kahit ilang programming subjects pa meron kami dati. Sa work na lang ako natuto.
- Seryoso akong tao hehe. Kahit simpleng bagay sineseryoso ko. Kahit pa opportunity na yan na magpacute sa crush ko dati, seryoso pa rin. Tuloy, mukha akong uninteresting eeww. Nung College, ilang beses akong sinabihan to loosen up a bit.
- I’m more of a listener than a talker.
- I prefer being a member than a leader but more often than not, it’s the other way around (even during school days)
Seven Things You Plan to Do Before You Die
- Read the whole bible
- Build my dream house
- Travel
- Drive my own car
- Sponsor a child (non-relative) to school
- Learn a foreign language
- Have a diversified financial portfolio. Naks!
Seven Things You Can Do
- Mountain climb. No hands pa! :p
- Sing
- Magprogram! Natutununan ko na nung nagtatrabaho na ako hehe
- Kumain syempre
- Gardening. Ito ang buhay ko bago ako napadpad sa corporate world
- Magbasa (wish ko lang speed reader ako para mas makarami hehe)
- Itago ang galit or pagkainis, not unless super provoked na ako.
Seven Things You Can't Do
- Magbike! Tinanong nga ako ng friend ko kung naging bata raw ba ako wahahaha.
- Swim. Ever.
- Magluto ng pagkaing tao hehe. Laging complain yan sa akin ng kuya ko.
- Dance. Kahit pa may lessons nung College. Kahit ata cultural dances, di na ako marunong. *sniff.
- Tumugtog ng musical instruments. Hay hopeless musician ako.
- Magjustify ng point ko kapag naiinis ako. Working on it though. Di pwedeng ganito.
- Magsabi ng nararamdaman. I attempted once pero di ko nagawa.
Seven Things You Find Attractive in the Opposite Sex
- Smart (weakness ko ‘to. Proven na many times hihi)
- Good conversationalist with a sense of humor
- Walang bisyo lalo na ang yosi. Yosi kadiri :p
- Marunong magdrive ahahaha. Ewan ko ba.
- Isama na dyan ang marunong magluto. (kasi hindi ako marunong)
- Maka-Dyos, makatao, family-oriented. Syempre.
- Responsible
Seven Things You Say the Most
- Echos
- Eklat
- Bwisit
- Gago
- Hay naku
- Bad trip
- Yes?
* Halos lahat bad words no? Hehe.
Seven Celebrity Crushes
- Orlando Bloom
- Papa Piolo (bingi ako sa mga naririnig ko tungkol sa pagkatao nya hehe)
- Tom Cruise
- Yung bida/mga bida sa Which Star are You From? Hay.
- Isama pa dyan si Brad Pitt (dahil sa Troy hihihi)
- Christian Bautista
- Vic Zhou
Finally, I’m done. I have no one to tag. Those who happen to read this and want to do it, feel free. :)
8 Comments:
hehehe... I enjoyed reading this kase dami ko nalaman... Astig!
ahahah...eh di ayaw mo si ardee??? nagyoyosi siya e...ahahahaha! joke... :)
andami kong nalaman...hehehe...
God bless!
grabe. sobrang revelation! wuhoo. lalo na ung about sa programming. grabe ate mye nasindak ako dun! hahahaha :P
Karen, ok lang si ardee, basta wag syang tumabi sa akin pag kakatapos magyosi hehe.
Ikaw ba naman ang pagsagutin ng sangkatutak na 7 things. Magiging revelation talaga yan. Na-enjoy ko naman gawin eh, matagal lang akong natapos haha.
at ano tong kaguluhan ang meron dito? heheh... nung una ko tong mabasa ayoko lng magcomment kasi wala lang..kakatuwa kasi talgang with emphasis yung pagyoyosi dito. pero its fine lang naman sakin..heheh... ang gawain ko, i don't let someone(non-smoker or yung alam kung ayaw sa smoke, tama ba?) close to me pag nagyoyosi.. then after naman, necessity to wash and apply alcohol :P hehe..
hahaha i had fun reading this.. syet my talo mo ko sa mga ideas mo.. speaking abt yosi, so ayaw mo kay DC?hehehe.. sabagay ako din naman nung una eh :P ngayon bumaliktad na mundo ko :) explain mo sa kin next time ano ang tag ha
tita kinarir ko pagsagot dito hahaha. in general, walang kaso sa akin ang nagyoyosi basta wag nila ako bubugaan ng usok haha. pero preferably, sana nde nagyoyosi. besides, di lang naman sa yosi dapat magrely kasi nasa personality pa rin yan...parang si DC...mo ahihi!
eh syempre pa huli na naman ako sa balita..haha! huhulaan ko kung sino 'to:
"Magsabi ng nararamdaman. I attempted once pero di ko nagawa."
bida 'to sa batibot eh...WALANG DELETE-an my! haha!
uy ako rin ayoko ng yosi guy! pag naiimagine ko ang nicotine sa...eeeew!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home